Sanggol na babae naipit sa pagtulog, patay

TULALA ang isang ina ng apat na buwang sanggol nang hindi na umabot nang buhay sa Amang Rodriguez Medical Center ang kanyang anak makaraang bawian ng buhay matapos maipit habang natutulog sa Marikina City, kaninang madaling-araw, Marso 4.

Kinilala ang biktima na si Rachelle  Berdan, ng E. dela Paz st. Brgy. Sto. Niño, nabanggit na lungsod.

Bandang 3:35 ng umaga nang ideklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang biktima  nang maipit  ng kanyang nakatatandang kapatid habang magkatabing natutulog.

Dinala na ang labi ng biktima sa Camella Woodhills San Antonio, San Pedro, Laguna. Jun Ferrer

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply