Sanggol naipit sa pagtulog patay!

TULALA ang isang ina matapos mamatay ang kanyang apat na buwang sanggol makaraang madaganan ng nakatatandang kapatid ng biktima habang natutulog sa kanilang tahanan Biyernes ng madaling araw, Marso 4 sa lungsod ng Marikina.

Ang biktima na kinilalang si Rachelle Berdan ay hindi na umabot nang buhay sa Amang Rodriguez Medical Center matapos isugod ng kanyang ina.

Ayon kay ARMC Director Ricardo Ilustre, alas 3:35 nang ideklarang dead-on-arrival ang biktima na pinaniniwalaang naipit kung kaya hindi ito nakahinga nang maayos na siya nitong ikinasawi habang natutulog.

Dinala ang labi ng biktima sa Camella Woodhills San Antonio,sa San Pedro,Laguna kung saan ito ibuburol nang kanyang mga kaanak. Jun Ferrer

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply