Sasakyang pandagat sa Pacific Ocean pinatigil maglayag ng PCG

PANSAMANTALANG pinatigil maglayag Biyernes, Marso 11, ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng mga sasakyang pandagat sa Pacific Ocean bunsod sa naganap na  8.9 maginitude earthquake at tsunami  na nangyari sa East Coast ng Honshu, Japan.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Wilfredo Tamayo, dapat na bumalik sa kanilang mga pinanggalingan ang mga barko partikular na iyong mga maliliit na motor banca gamit sa pangingisda sa pangambang umabot sa Pacific ocean ang tsunami dahil sa napakalakas na lindol na tumama sa bansang Japan ng dakong 1:45 ng hapon.

Inilagay na sa heightened alert ang PCG at nakaalerto na lahat ng coast guard personnel at mga sasakyang pandagat.

Gayunman, hindi apektado sa advisory ng PCG ang mga karagatan sa kanluran na hindi naman sakop ng Pacific Ocean. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply