Satellite at space tech kontra kalamidad gagamitin ng Cainta

PARA maiwasan ang malawakang pinsala na dulot ng mga kalamidad tulad ng bagyo at lindol, gagamit ang bayan ng Cainta ng satellite at space technology.

Ayon kay Cainta Mayor Ramon Ilagan, sila ang kauna-unahang local government unit (LGU) na gagamit nito na ang pangunahing layunin ay maiwasan hangga’t maaari ang mga trahedyang dulot ng mga bagyo o iba pang natural disaster.

Mismong ang alkalde ang dumalo sa isa sa limang araw na training na isinagawa ng Sentinel Asia Systems (SAS) sa Kathmandu, Nepal noong Pebrero para pag-aralan ang paggamit ng satellite at space technology sa pag-monitor ng bagyo at pagbawas sa epekto ng sakuna.

“Isang karangalan na maging unang LGU sa Pilipinas ang Cainta na libreng makakagamit ng state of the art space technology. Makakatulong din ito upang mas maging handa ang bayan ng Cainta sa pagharap sa mga disaster at isyu ng climate change,” ani Ilagan.

Idinagdag din ni Ilagan na dapat lalong pag-ibayuhin ang Local Disaster Risk Management Office ng Cainta, alinsunod sa kondisyon ng SAS at nilalaman ng Republic Act 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction Management Law.

Kabilang sa mga delegado na dumalo sa training sa nasabing bansa ay sina  Administrator Atty. Crispino Pablor Jr at si Dennis de Guzman,  coordinator ng Save the Cainta River Movement, isang kilusang inilunsad noong nakaraang taon para maisaayos ang daluyan ng tubig ulan at baha.

Dumalo rin sa nasabing training ang iba pang matataas na kawani ng pamahalaan mula sa India, Myanmar, Pakistan, Bangladesh, Nepal, Sri Lanka, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Japan, China, Thailand, Maldives at Vietnam. Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply