Sawi sa pag-ibig, nagpatiwakal

DAHIL sa sama ng loob nang kalasan ng kasintahan isang driver ang nagpasyang kitilin ang sariling buhay sa pamamgitan ng pagbigti sa loob ng kanyang kuwarto Sabado ng tanghali, Marso 19, sa Brgy. Muson Malabon City.

Ang biktima ay nakilalang si Rogelio Punit,  24, binata at residente  ng No. 20 Katarungan St. sa nasabing lugar.

Ayo sa isinagawang imbestigasyon ni SPO3 Ferdinand Esperitu, ng Station Investigation Division ng Malabon police, ganap na alas-12:00 ng tanghali ng mag patiwakal ang biktima sa loob ng kanilang tahanan.

Base sa pahayag ng saksing si Sarah Punit, kapatid ng biktima, ay masyadong dinamdam ng kanyang kuya ang hindi nila pagkakaunawan ng kanyang kasintahan na si Rosa Alerta.

Buhat noon ay palaging wala na sa kanyang sarili ang biktima at bago maganap ang insidente ay mag-isang pumasok sa kuwrato  at isinara ang pintuan kung kaya malayang naisagawa ang nasabing pagpatiwakal.

Nabatid na matagal ng kinakatok ng mga kapatid ang pintuan subalit walang sumasagot kung kaya’t nagpasyang gibain ang nasabing pintuan at tumambad ang nakabitin at wala ng buhay ang biktma. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply