SB Aira Bermudez malala ang sakit sa leeg, hindi sumama sa raket sa Dos

MAY dinaramdam palang sakit sa leeg si Aira Bermudez ng Sexbomb. Nagdikit ang buto niya sa leeg na noong una ay hindi niya iniinda dahil sa rami ng trabaho.

Pero nang ipa-x-ray niya at matingnan sa MRI ay may nakitang nagdikit na buto at may litid na namamaga.

Kaya huwag mabibigla kapag nakita ninyong may braces sa leeg ito dahil yun ang bilin ng doktor bukod pa sa medication.

Sabi ni Aira nagsimula raw ang pananakit sa leeg sa simpleng stiff neck. Hindi niya pinansin hanggang sa makaramdam na siya ng sobrang sakit.

Pero hindi ito hadlang para matigil si Aira sa pagsasayaw dahil ito ang kaniyang trabaho.

Samanatala, naitsika ni Aira na walang katotohanan na binigyan siya ni Akihiro Sato ng iPad  nang matapos ang Survivor Philippines Celebrity Showdown.

Nagbigay lang daw ito ng regalo sa kanilang castaways pero kung si Solenn Heusaff daw ang nanalo baka binigyan raw silang lahat ng iPad dahil mayaman raw ito kumpara kay Aikihiro na siyang tinanghal na Sole Celebrity Survivor.

Hanggang ngayon ay hindi pa raw niya ginagalaw ang napanalunan sa Survivor at sa halip na gastusin ay inilagay sa bangko para gamitin sa pagbili ng sariling bahay at itatayong negosyo

Ang ikinalulungkot ngayon ni Aira nang mawala ang grupo nilang Sexbomb sa Eat Bulaga dahil doon sila nagsimula at nakilala.

Hindi raw siya kasama sa grupo noong mag-guest last Sunday sa katapat ng programang Eat Bulaga.

*****

Mariel Rodriguez ‘yummy’ ang tawag kay Binoe

UMAASA si Mariel Rodriquez na paninindigan ni Robin Padilla ang pangako nito sa kanya na siya ang huling babaing mamahalin.

Pero hindi kaya alam ni Mariel na sa religion ni Robin na isang Muslim ay puwede silang mag-asawa ng lima basta kaya nilang panagutan at buhayin ito.

Sabi naman ni Mariel, bago raw niya tinanggap ang marriage proposal nito ay hiniling niya kay Robin na huwag na itong magmamahal ng iba at mag-aasawa ng iba.

Sabi pa ng actress/TV host, masinsinan daw silang na-usap ni Binoe sa magiging sitwasyon ng kanilang pagsasama na posibleng harapin kapag naging mag-asawa na sila.

Sinabi raw lahat ni Robin ang pinaka-sikreto nito at ang klase ng buhay mayroon siya

“Sabi niya, ganito siya magtrabaho, Ito yung buhay niya at mga anak niya. Tinanggap ko lahat basta isa lang ang sinabi ko sa kanya. Gusto ko ako lang, wala nang iba pa,” say ni Mariel.

Hindi raw makakaya ni Mariel na may makakahati siyang ibang babae kay Robin at hatiin ng actor ang buhay niya sa kanila ng bago niyang babae. Mariing sinabi pa ng actress/TV host na kaya niyang tanggapin ang lahat kay Robin huwag lang magkaroon pa ito ng isa pang asawa o ng isa pang babaing mamamahalin.

Hindi na nga makakaila na talagang in-love si Mariel kay Robin at kung pagbabasehan ang mga binitiwang salita nito ay gagawin ang lahat basta huwag lang siyang lolokohin.

Samantala, isang masarap na pagkain ang tingin ni Mariel kay Robin sa mga billboard ad nito sa Edsa, lalo na sa isang brand ng jeans na iniendorso nito.

“Tini-text ko siya. Sabi ko, “Baby, you`re so delicious in your billboard. Yummy!”

*****

PINABULAANAN ni Direk Lito Calzado na natatampo siya sa anak na si Iza Calzado dahil sa balak nitong pagbabakasyon sa Australia kasama ang boyfriend na si Atticus King.

Paglilinaw ni Direk Lito, ang gagawing pagbabakasyon ng anak at boyfriend ay hindi ipaaalam baka raw kasi may masabi ang ibang tao.

Sabi pa ng tatay ni Iza, hindi siya maaaring magtampo sa anak dahil magbabakasyon din siya sa Macau at nilinaw na wala siyang problema sa boyfriend ng anak.

Samantala, masaya si Iza sa ibinigay na project ng GMA-7. Isinama pa siya sa Eat Bulaga at ilan show sa Kapuso. Gerry Ocampo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply