Scholarship sa mga anak ng binitay na OFWs pinag-aaralan ng Palasyo

PINAG-AARALAN ng Malakanyang ang pagkakaloob ng scholarships sa mga naulilang anak ng tatlong Pinoy drug mules na isinailalim sa lethal injection sa China na sina Sally Villanueva, Elizabeth Batain at Ramon Credo.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa press briefing sa Palasyo Miyerkules, Marso 30, isa ang scholarship grants sa tinitingnan ng administrasyong Aquino na ipagkaloob sa pamilyang naulila ng tatlong nabitay.

Aniya, mayroon namang sapat na pondo kung sakaling bibigyan ng scholarship ang mga nangungulilang anak nina Villanueva, Batain at Credo.

Kaugnay nito, iniulat naman ni Social Welfare Secretary Corazon Soliman kay Pangulong Benigno Aquino, III na kaagad na nagbigay ng alalay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng mga nabitay sa China.

Ani Soliman, nagsagawa ng agarang counseling at family therapy ang kanilang mga social workers sa mga miyembro ng pamilya na naulila nina Villanueva, Batain at Credo na nasa bansa.

“We will also discuss with the family members the needed assistance, probably   through livelihood, and the children will be provided with immediate educational assistance,” pahayag ni Soliman.

Kasabay nito, umapela na rin si Soliman sa mga mamamahayag na huwag idamay o gamitin ang mga anak na bata ng mga nabitay upang maiwasan na magkaroon ng trauma sa hinaharap ang murang pag-iisip ng mga ito. Axel Sam

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply