Seafoods at fried chicken na lang ang nakakayanan

PAHIRAP nang pahirap ang buhay. Kasinungalingan ang sinasabi ng mga nasa Malakanyang na paganda nang paganda ang buhay simula nang sila’y manungkulan.

Pero alam ba ninyo kung paano nakapagpapalusot si Juan ng kahit papaano’y masarap pa rin na ulam?

oOo

May kakilala tayo na mag-asawa. Madiskarte sila sa pagkain para sa kanilang apat na anak
na pawang nag-aaral sa elementarya at haiskul.

Sa paligid nila ay may mga bakanteng lote na tinutubuan ng mga akala mo ay patapon na mga halaman.

Yun pala, mga saluyot, alugbati, at kung ano-anong may tinik na halaman ang tumutubo roon.

Yun ang kanilang mga inaani.

Paano pinasasarap ang mga ito?

Hinahaluan ng sifuds.

Bumibili si misis ng pinagpugutan ng mga hipon sa palengke na itinatapon na lang ng mga tindera.  Kung hindi dinudurog ang mga ito, basta isinasahog na lang at lalong malinamnam ang bulanglang kung may mga aligi.

Pinakamura naman ang mga adidas at leeg ng manok. Ito ang kanilang pinaprayd tsiken. Ang isang putol na leeg o isang paang manok ay oki na sa bawat anak.

Solb na sila sa gatasa o gadakot at magaspang na bigas-NFA na kakambal ng mga tsibug na ito.

oOo

Pero nakaiiyak din ang kalagayan ng pamilyang ating ikinukuwento.

Magtatraysikel at nagbabawndary ang lalaki habang tagabantay at taga-alaga ng mga bata ang misis.

Nang maistrok ang kanilang nanay at dinala sa ospital, wala man lamang silang maibigay na pambili ng gamot.

Kung mayroon man, tiyak na sa susunod na dalawa, tatlo o pitong araw, wala na rin silang maipambibili ng sifud at prayd tsiken.

At milyon ang bilang ng mga ito, Suki.

Hu! Hu! Hu! Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply