Seafoods sa Pinas ligtas pa rin sa radiation

WALANG dapat ipag-alala ang publiko dahil ligtas pa rin ang mga pagkaing nakukuha sa dagat kahit patuloy ang pagbubuga ng radiation ng sumabog na nuclear reactor sa Fukushima, Japan.

Ang naturang insidente ay nagdulot na ng pagkakontamina ng ilang produktong pagkain sa bansang Hapon.

Ipinaliwanag ni Dr. Cesario Pagdilao, director ng Philippine Council for Aquatic and Marine Resources Development (PCAMRD), hindi dapat mabahala ang publiko sapagkat sa sobrang lawak ng karagatang pumapagitna sa Japan at Pilipinas, tiyak na malulusaw na ang radioactive material na ibinubuga ng nasabing nuclear power plant bago pa makarating sa bansa.

Habang isinusulat ang balitang ito, wala pang ibinabang direktiba ang Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) para suriin ang antas ng radion sa mga lamang-dagat.

Mahigpit naman ang isinasagawang pagbabantay ngayon ng Bureau of Quarantine (BoQ) sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para manmanan ang pagpasok ng mga frozen na karne, isda, hayop at iba pang produktong agrikultural matapos aminin ng pamahalaan ng Japan na kontaminado na ng radioactive iodine ang karamihan sa kanilang produkto.

Sinabi ni Dr. Simeon Amurao, hepe ng Animal Quarantine, inatasan na niya ang kanyang mga tauhan, gayundin ang mga tauhan ng NAIA at Bureau of Customs (BoC) para bantayan ang mga darating na pagkain mula sa bansang Hapon.

Aniya, pansamantalang kukumpiskahin ang mga pagkaing mula sa Japan na makikitang bitbit ng mga pasahero para dalhin sa Philippine Nuclear Research Institute (PRNI) upang mabigyan ng clearance kung maaaring kainin ng tao.

Mahigpit ding ipatutupad ang “No Permit, No Products” policy sa lahat ng mga International Airports. Robert C. Ticzon

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply