Seaman binoga sa mukha ng 2 hired killer

BUTAS ang mukha ng isang seaman makaraang barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa Quezon City kaninang umaga.

Dead on the spot si Jose Basco, 54, 05 Bonifacio St. Brgy. Bagong Silangan, nasabing lungsod.

Isinalarawan ni PO3 Eden Pascua may hawak ng kaso sa himpilan ng Quezon City Police station 6 (QCPD) ang dalawang suspek na tumakas matapos ang insindente na nakaberdeng jacket habang ang ikalawa naman naka-puting jacket at naka-maong pants.

Sa ulat ni PO3 Alden Lasam, nangyari ang pamamaril sa mismong harapan ng bahay ng biktima ganap na alas-9 ng umaga.

Sinasabing habang nakatayo ang biktima sa harapan ng kanyang bahay nang bigla na lamang sumulpot ang dalawang suspek.

Nang makalapit ang mga ito sa biktima ay walang sabi-sabi na bumunot ang isa ng baril sabay itinutok sa mukha ni Basco at ipinutok.

Siniguro muna ng mga salarin na patay na ang biktima bago tumakas.

Hinala ng pulisya na hired killer ang mga suspek na umutas sa biktima.

Inaalam na ng awtoridad kung ano ang motibo sa krimen.  James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply