Seaman na nanaksak ng tatay, tigbak sa parak

ISANG dating seaman ang napatay ng mga nagrespondeng pulis matapos saksakin ang kanyang ama at mabaril ang isa sa mga pulis na nagtangkang umaresto sa kanya sa San Pedro, Laguna.

Ayon sa report  na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang napatay na seafarer na si  Norberto Fernando Jr., 34.

Una rito nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang suspek at ama nitong si Norberto Sr., Miyerkules ng umaga na nauwi sa pananaksak ng suspek sa kanyang ama.

Bago naitakbo sa pagamutan ang matandang Fernando ay nagawa naman nitong makahingi ng tulong sa mga tauhan ng pulisya.

Sinubukan umanong pasukin ng mapayapa ng mga rumespondeng tauhan ng San Pedro PNP ang suspek subalit nagmatigas ito at piniling makipagbarilan sa awtoridad.

Gamit ang kanyang kalibre 38 revolver ay nabaril umano ng suspek sa mukha ang isa sa mga  rumespondeng pulis na kinilalang si PO2  Rodel Mamales na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon, dahilan para paputukan na rin siya ng mga pulis.

Nabatid na nag-amok ang suspek nang ma-deport mula sa Canada at iniwan pa ng kanyang asawa at anak. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply