Security guard itinumba ng kasamahan

PATAY agad ang isang security guard matapos malapitang barilin ng kasamahan matapos magtalo hinggil sa kanilang trabaho sa Valenzuela City.

Kinilala ang biktima na si Arnel Aguilar, 20, tubong Iloilo, ng Frazen security agency at stay-in sa tinatanurang Vexxon Compound.

Tinutugis na ang suspek na si Rowel Talo-Talo, tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng Station Investigation Division ng Valenzuela police, alas-6:30 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing compound sa Canumay East Valenzuela City.

Nabatid na nag-ugat ang alitan ng dalawa nang hindi dumating sa kanyang shift si Talo-Talo dahilan para magdamag na naka-duty si Aguilar.

Sa gitna ng pagtatalo ay dinampot ng suspek ang kanyang service firearm na shotgun at pinaputakan ang biktima sa tiyan saka tumakas. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply