Seguridad sa Baguio City hihigpitan para kay Pacman

PAHIHIGPITAN ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan ang seguridad sa summer capital ng Pilipinas sa pag-akyat ng Team Pacquiao sa darating ng Linggo, Marso 13.

Ang pag-akyat na ito sa Baguio ng grupo ni eight-division champion Manny Pacquiao ay upang magsanay sa nalalapit niyang laban kay Sugar Shane Mosley sa darating na Mayo 7 sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos.

Inaasahang makakasama ni Pacquiao sa pagsasanay sa Baguio City ang kanyang coach na si Freddie Roach at si WBA junior welterweight champion Amir Khan bilang sparring mate ng Pambansang Kamao at ang buong Team Pacquiao.

Ito na ang pangatlong pagkakataon na magte-train si Pacquiao sa tinaguriang “summer capital” ng bansa mula noong 2009 nang labanan nito si Miguel Cotto.

Sinabi ni Domogan na ang paghihigpit ng seguridad ay upang makasiguro na hindi maaabala ang pound-for-pound king sa kanyang pagsasanay. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply