Sekyu, binaril, patay sa holdapan sa Pandacan

NAPATAY ng riding-in-tandem ang isang security guard ng Philippine Port Authority  (PPA) Martes ng madaling araw sa tapat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Bonifacio dr. sa Port Area, Maynila.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Reynaldo Abuedo, 54, security guard ng Lockheed, ng Zamora St., Pandacan, Maynila.

Ayon kay Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-homicide section, dakong 2:45 a.m. nang holdapin ng isa sa anim na nangholdap sa isang newspaper dealer sa harap ng dating tanggapan ng Journal Group of Company sa nasabing lugar.

Dahil nasaksihan ng biktima ang holdapan at sa pag-aakala ng mga salarin na reresponde ito ay agad na bumunot ng baril ang isa sa mga suspek na nagsilbing lookout at pinaputukan si Abuedo.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng .45 kalibreng baril sa katawan.

Nabatid kay Macaraeg na may P100,000 ang nakulimbat ng mga nangholdap mula sa newspaper dealer, na nakilalang si Arceli Santos.

Matapos ang insidente ay mabilis na nagsitakas ang anim sa salarin tangay ang perang ninakaw. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply