Sekyu binoga ng dalawang killer patay

DEAD ON-THE-SPOT ang isang security guard matapos pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga salarin Miyerkules ng gabi, Marso 30 sa Quezon City.

Ang biktima na namatay dahil sa tinamong tama ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay si Montano Abjelina, 56, ng Phase 111, Bldg. 30, Manggahan, Commonealth Avenue, Quezon City.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Danilo Tuscano, Quezon City Police Department-Crime Investigation and Division Unit (QCPD-CIDU), dakong 10:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa lugar ng Fairline St., Fairview, nasabing lungsod.

Sinasabing bigla na lamang sumulpot ang dalawang salarin na kapwa armado ng baril at pinaputukan ang biktimang sekyu na namatay agad sa pinangyarihan ng krimen.

Hindi pa mabatid ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaril. James de Jesus

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply