Sen. Escudero tutol amyendahan ang rules of impeachment

TUTOL si  Sen. Francis Escudero sa panukala ni Sen. Francis Pangilinan na naglalayong amyendahan ang kasalukuyang rules of impeachment .

Ayon kay Escudero, mas lalong matatagalan ang pagsisimula kung sakaling magkaroon ng pag-amyenda sa rules of impeachment, dahil sa ito ay ipa-publish pa sa mga pahayagan at mag-aantay pa ng 15 araw bago ang implementasyon.

Ang reaksyon ni Escudero ay makaraang ihain ni Pangilinan ang Senate Resolution No. 441 para amyendahan ang rules of impeachment kung saan hangad nito na magkaroon ng agarang pagboto ang mga senador sakaling matapos na ang pagpresenta ng mga ebidensya at argumento ng isang rules of impeachment upang hindi masayang ang oras at hindi maabala ang legislative agenda ng senado.

Sinasabi rin sa nasabing resolusyon na kung hindi naman makuha ang 2/3 votes o 16 na boto ng mga senador bilang hukom, doon sila muli magpi-preside sa susunod sa anim na articles of impeachment na isinumite ng Kamara sa Senado.

Iginiit ni Escudero na magkakaroon ang Senado ng apat na araw para sa impeachment trial sa pagbubukas ng sesyon sa Mayo – Lunes, Martes, Miyerkules at Huwebes – maliban lamang kung may pagsasalang sa Commission on Appointment sa araw ng Miyerkules.

Sa pagbubukas ng sesyon sa Mayo 9, manunumpa ang mga senador kay Senate President Juan Ponce Enrile bilang mga hukom sa impeachment trial.

Si Enrile naman ay manunumpa sa pinakabatang senador na si Senador Antonio Trillanes IV, presiding judge sa naturang impeachment trial. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply