Ping: Magtatago ako uli kapag tatablahin

HANDANG magtago habambuhay si Sen. Panfilo Lacson kung hindi siya mabibigyan ng patas na laban sa batas.

Sa press conference sa Senado ngayon, Lunes, sinabi ni Lacson na kung mapapansin niyang hindi parehas ang magiging pagtrato ng korte sa kanyang kasong double murder, kung saan ang mga biktima ay sina publicist Salvador “Bubby” Dacer at drayber nitong si Emmanuel Corbito, ay di siya magdadalawang-isip na tuluyan nang takasan ang mga awtoridad.

“I am ready to spend the rest of my life in hiding,” aniya. “I am ready to not to see my family,” pagdidiin ng senador.

Matatandaang mahigit isang taong nagtago si Lacson upang umano’y maiwasan ang di patas na pagtrato sa kanya ng korte sa ilalim ng pamahalaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na ngayon ay kinatawan na ng ikalawang distrito ng Pampanga sa Kamara de Representantes.

Aniya, nagpunta siya sa iba’t ibang bansa upang hindi madakip.

“All I need is fair share of justice,” sabi ni Lacson.

Inilarawan ng senador ang kanyang sinusundang batas: “I had one rule to follow: Do not get caught.”

Lumantad lamang siya umano nang bale-walain ng Court of Appeals ang warrant of arrest laban sa kanya.

Itinanggi niyang kaalyado siya ni Pangulong Benigno Aquino III.

“Sa diyaryo ko lang nababasa na ally ako, pero hindi ko nararamdaman,” ayon kay Lacson.

Dagdag niya: “Paano ko mararamdaman eh may order na CA pero nananatiling nagmamatigas ang DOJ (Department of Justice) na may warrant (of arrest) pa.” Ernie Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply