Senado ‘di papadala sa pambabraso ni PNoy — Sotto

TINIYAK ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III na hindi papansinin ng Senado ang anumang pambabraso ni Pangulong Benigno Aquino III kapag naisampa ng Articles of Impeachment laban kay Ombudsman Marceditas Gutierrez.

Sa panayam ng DZRH nitong Miyerkoles ng umaga, Marso 9, sinabi ni Sotto na hindi kayang impluwensiyahan ni Pangulong Noynoy ang pagdinig ng kasong impeachment kay Gutierrez dahil pagbabasehan ng mga senador ang konsiyensya sa paghatol.

“Hindi po. Bihirang bihira na nangyayari. Alam mo ninyo na kahit pangulo ng pilipinas hindi naiimpluwensyahan. Bomoboto po kami sang-ayon sa konsensya,” giit ni Sotto.

Sinabi rin ni Sotto na walang nagla-lobby sa kanya o nalalaman niya na may kumakausap sa ibang kasamahan sa Senado, at kung mayroon mang lumapit sa kanya upang impluwensiyahan ang proseso, kaagad niya itong tatablahin.

Inihayag pa ni Sotto na hindi dapat magsalita ang sinuman sa kanyang kasamahan sa kasong impeachment ni Gutierrez dahil kailangan manatiling impartial ang Senado sa proseso di tulad ng ilan na palaging nagsasalita pabor man o hindi sa kaso.

Sakaling maisampa sa Senado ang Articles of Impeachment, kaagad maghahain ng resolusyon ang senador hinggil sa pagtanggap ng kaso saka lamang pag-uusapan ang takdang panahon sa pagsisimula ng paglilitis kay Gutierrez. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply