Senado handa sa impeach Merci

NAKAHANDA ang Senado sakaling maiakyat sa kanila ang kasong impeachment laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ayon kay Senador Franklin Drilon, hindi na bago sa kanila ang ganitong kaso dahil minsan na ring binuo ang Senado bilang impeachment court noong nilitis si dating pangulong Joseph Estrada sa kasong plunder na kinaharap nito.

“Handa na po ang Senado diyan, dahilan sa kami po ay dumaan na sa impeachment noong year 2000 kay dating Pangulong Joseph Estrada. Yung rules of impeachment ay nakahanda na, yung mga technical staff namin na humawak ng impeachment noong 1999-2000 ay nandyan pa rin hanggang ngayon. Sa akin po ay handa kami sa Senado para maging senator-judges pagdating ng panahon,” diin ni Drilon.

Naniniwala rin ang senador na wala namang magiging problema lalo na sa usapin ng rules of evidence dahil karamihan naman sa mga senador ay mga abogado maliban na lamang sa mga baguhang senador
tulad ni Senador Antonio Trillanes IV. Vicky Cervales

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply