Shakey’s V-League summer camp

DAGSA pa ang pagpapalista sa Shakey’s V-League Summer Camp tungo sa takdang panimula ng walong-araw na session sa Linggo, Marso 26, hanggang Abril 3 sa Ateneo University Gym sa Loyola, Quezon City.

Limitado sa 250 ang kalahok na tatanggapin. Mula sa bilang na ito ay hahatiin sa umaga at panghapong sesyon upang mabigyan ng wastong panahon ang mga kasali.

Layunin ng mga sesyon na madagdagan ang kaalaman ng mga kalahok sa larangan ng volleyball.

Kaugnay nito, nagtakda ng P3,000 fees sa mga kalahok na iuukol sa pagkain, official Shakey’s V-League summer camp t-shirt, sports bottle, towel at tote bag.

Mayroong ding libreng entry ticket para sa malalapit na 8th Shakey’s V-League 2 Conference Season, na magsisimula sa Abril 3 sa San Juan City Arena. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply