Shalani naghahanap ng boyfriend

LAMPAS na ng apat na buwan si Shalani Soledad bilang co-host ng ‘Willing Willie’ ng TV5. Nagsimula siyang maging co-host noong Nobyembre 8, 2010.

“Of course I really enjoy. Saka mababait lahat yung mga kasama ko sa show,” sey niya na walang insecurity sa katawan kahit nadagdagan na ang mga female  co-hosts ng ‘Willing-Willie’. Kung sabagay, tatak na ni Shalani ang pagiging first lady ng WW at hindi na isyu kung may madagdag sa show.

Na-focus daw siya sa ‘Willing Willie’ at wala  pa naman daw offer para gumawa siya ng serye o ibang tv shows… “Naku, Willing Willie muna tayo,” sey niya  kung sakaling alukin din siya ng ibang proyekto.

Dumami ba ang manliligaw niya simula nang mapasok siya sa ‘Willing Willie’?

“Actually, hinahanap ko…hahahaha. Wala naman,” sagot niya. “May mga nagi-invite naman…,”bitin pa niyang pahayag.

Nilinaw  rin niya  sa The Buzz Magazine ang intrigang may asawa’t anak siya sa Bulacan.

“For the record po wala  po akong anak, wala po akong asawa,” deklara  niya. Hindi  ba siya napipikon sa mga ganyang tsismis? “Hindi,” sabay  sabi na na mas naapektuhan ang family niya sa mga ganyang balita.

“Anything na masulat sa akin na hindi maganda at nababasa ng  mommy ko, siyempre nahu-hurt siya. Kasama ‘yung family ko, ‘yung uncle ko, ‘yung mga kapatid ko, ‘yung mga pinsan ko,lahat sila ay nasasaktan pag hindi maganda ang nasusulat sa akin,” aniya pa.

ZSA ZSA PADILLA, DI NAGPAKABOG KAY ANNE CURTIS

Hindi nagpakabog si Zsa Zsa Padilla sa kaseksihan nina Anne Curtis, Cristine Reyes, Maja Salvador,  Zanjoe Marudo, Jake Cuenca  , Diether  Ocampo sa ilulunsad ngayong araw na ito na  ABS-CBN Summer Station ID sa ASAP Rocks.

“Sinasabi ng puso ang gusto’y kakayanin, pangarap, di malayo, kaya mong abutin”,  ‘yan ang mensahe ng ABS-CBN Summer Station ID ngayong taon. Kasabay ng pagsinag ng unang araw sa tag-araw ay ang pagkakataon nating maipakita sa liwanang ang itinatagong galing at maabot ang pangarap na minimithi.

Mapapanood sa music video kung paanong nagsisilbing inspirasyon sa ABS-CBN at sa mga artista nito ang mga Pilipino na nagsisikap upang marating ang tagumpay.

At sa kabila ng iba’t ibang mga pagsubok na hinaharap ng bansa, naniniwala ang ABS-CBN sa katatagan ng mga Pilipino — patuloy tayong magsisikap, at maniniwalang kahit ano ay kaya nating gawin.

Ang theme song na Bida Best sa Tag-Araw  ay inawit ni Star Power grand winner Angeline Quinto, kasama sina Vincent Bueno at ang rapper na si J.O.L.O. aka J-Dot. Sinulat ito nina Love Rose de Leon at Niño Anglo, at si Marcus Davis naman ang music arranger at producer.

Sina Richard Ang at Paolo Ramos ang mga director.

Ilan sa mga Kapamilyang tampok sa nasabing station ID sina KC Concepcion, Bea Alonzo, Kim Chiu, Maja Salvador, Melissa Ricks, Shaina Magdayao, Iya Villania, Sam Milby, Billy Crawford, Karylle, Cristine Reyes, Derek Ramsay, Diether Ocampo, Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Xian Lim, Matteo Guidicelli, XB GenSan, Vhong Navarro, Vice Ganda, ang mga bida ng teleseryeng Mula sa Puso (Lauren Young, JM de Guzman & Enrique Gil), mga bida ng Green Rose (Anne Curtis, Jericho Rosales, Jake Cuenca & Alessandra de Rossi), mga bida ng Maria La Del Barrio (Erich Gonzales & Enchong Dee), hosts ng Happy Yipee Yehey (Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez, John Estrada & Randy Santiago), ang child stars na sina Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat & Mutya, at ang veteran singers na sina Zsa Zsa Padilla at Martin Nievera.

Panalo talaga ang mga televiewers dahil dalawang bagong programa ang bubuksan ng ABS-CBN 2 sa Monday. Back to back  ang ‘Mula sa Puso’ at ang Korea  drama na ‘My Princess’.

Tampok sina Lauren Young at JM De Guzman sa seryeng ‘Mula Sa Puso’? Ano ang aasahan ng mga manaonood sa bagong tandem na ito?

“ Sa ngayon po, ‘yung pressure ay sinu-shoulder pa namin. So, focus muna  sa serye dahil hindi mo maiaalis ‘yung expectation,e lalo na sa mga fans ng naunang ‘Mula Sa Puso’.Dun muna kami mag-focus?,” deklara sa amin ni JM.

Na-starstruck ba siya sa mga  kasama niya sa MSP gaya nina Dawn Zulueta, Ariel River , Eula Valdez  na magagaling na artista?

“Bata pa lang ako napapanod ko na po sila sa tv. Napanganga po ako nu’ng una ako silang makita.Si Ms. Dawn  pa lang ang nakakaeksena ko. Hindi po kami pinapabayaan ni Ms. Dawn.Kahit sobrang hirap ng eksena, umaalalay pa rin siya sa amin,” aniya.

Samantala, isang engrandeng pagsalubong ang mangyayari ngayong Lunes para sa biggest Korean drama ng taon ang “My Princess.” Nandiyan  ang one of Asia’s premiere actor Song Seung Hun bilang “Ethan” at Korea’s most beautiful woman Kim Tae Hee bilang “Lizelle.”

Paano kung ang isang ordinary working student na nagpapanggap bilang prinsesa ay tunay palang prinsesa?

Sa kabila ng mala aso’t pusang bangayan, mangyayari ang isang bagay na ‘di  inaasahan nina Ethan at Lizelle – ang ma-inlove sa isa’t isa.

Ano ang pipiliin ni Lizelle? Ang kanyang tungkulin bilang prinsesa o ang sinisigaw ng kanyang puso? Magawa kaya ni Ethan na iwan ang lahat para kay Lizelle? Roldan Castro

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply