Shamari Spears may kahalili na

SA KABILA ng panalo ng B-Meg Derby Ace Llamados laban sa league leading Smart-Gilas Nationals ay nakabitin pa ang paglalaro ni Shamari Spears kasunod ng unang pahayag ng Derby Ace management na isasabak nila ang darating na bagong import na si Courtney Besley.

Ang 6-foot 3-inch ex-player na si Besley ay naglaro sa University of Southern Mississippi ay may averages na 14.9 points at 7.1 rebounds noong season 2008-09 sa Senior’s Category ng NCAA.

Sa kanyang pinakahuling laro sa Llamados ay malaki ang naitulong ni Spears sa pagbibigay sa Smart Gilas Nationals ng unang pagkatalo sa isang overtime game, 98-90, sa pagtatala ng 26 points at pagkalawit ng 8 boards. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply