Shell at Chevron nagtaas ng presyo ng oil

NAGTAAS ng presyo ng produktong petrolyo ang Shell at Chevron, umaga ng Martes, Marso 28.

Itinaas ng mga naturang kumpanya ang kanilang produkto bandang 6:00 ng umaga.

Itinaas ng Shell at Chevron ang kanilang presyo dahil umano sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.

Kabuuang 70 sentimo kada litro ang itataas sa presyo ng premium at unleaded gasoline habang 85 sentimo sa regular gasoline.

Sa presyo ng diesel ay 40 sentimo kada litro ang itinaas at 20 sentimo sa kerosene. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply