Shoot to kill order laban sa katkong cops

I-SHOOT to kill sila!

Utos ito ni Dirty Harry, ehek, Mayor Alfredo Lim laban sa mga katkong cop ng Manila Police District.

Nakilala ang mga katkong cop na sina Supt. Felipe Cazon Jr., hepe ng MPD Ermita police station 5, Senior Insp. Peter Nervisa, hepe ng anti-crime unit, SPO3 Ernesto Peralta, PO3 Jefferson Brittanico, PO3 Mike Ongpauco Fabian, and PO1 Rommel Santos Ocampo.

Ang istorya, eh, may nakidnap for ransom na Malaysiano. Nagpatubos ang biktima ng nasa P16 milyon na at nang pakawalan ito, kasunod na ang pagkakahuli ng mga suspek.

Sina Cazon umano ang nakahuli at nakabawi sa isang maletang bag. Pero sa halip na isauli ang buong halaga, nasa P4M lang ang kanilang idineklara at kinatkong ang nasa P12 milyon saka nila dinibay-dibay?

Ang siste, nang ibuking sila ni Marvin Lopera na sinasabing mastermind ng KFR, biglang nagtago ang limang parak.

Eh, flight o pagtakas o pagtatago is a sign of guilt.

Matanong pala natin kay MPD chief Gen. Roberto Rongavilla: nadis-armahan na ba ang mga ito nang sila’y inimbestigahan sa General Assignment Section?

Kung hindi, anak ng tokwa, paano yan at paano yang shoot to kill order ni Dirty Harry?

Kakasa ba sila rito?

May nagsasabi naman na may isa o dalawa sa kanila ang handang humarap sa mga kinauukulan kung ipatatawag sila. Sino-sino sila?

Paano yung tatlo o apat sa kanila na nagtatago para simsimin ang kanilang kinatkong, kung totoo?

Advice lang natin sa mga parak na yan. Yang milyones na yan ay totoong malaki. Pero alam
ba ninyong madaling maubos yan?

Kapag nagtago kayo nang nagtago at hindi humarap sa katarungan, baka hindi abutin yan ng isang taon.

Mahal ang pagtatago.

Lahat gagastusan mo dahil hindi ka nga makalalabas ng bahay.

Mahal ang umupa ng matitirhan at mahal ang palipat-lipat ng tahanan.

Pero kung pinili ninyo yan, huwag naman kayong mandamay.

Ayaw naming marinig na kakambal ng pangangatkong ninyo ang pagtahak ng mga dagdag na kriminal na landas na may kita para lang hindi ninyo maubos yan.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply