Show nina Carmina at Zoren ‘di bumenta kaya titigbakin na sa ere

MAGTATAPOS na pala ang show ng mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na “Love ni Mister, Love ni Misis” sa GMA 7. Hindi umabot ng isang taon ang kanilang morning talk show kaya hindi na rin matutupad ang pangako sa kanila ng executive ng Kapuso Network na ipakakasal sila na kukunan pa ng live para sa kanilang morning talk show, once na mag-one year ang programa.

Hindi naman naging problema sa bumubuo ng morning talk show ang pagkakatsugi nito.  Ang ikinagulat at ikinabigla ng host at production staff ay nang sabihin sa kanila na magla-last taping day na ang talk show nang biglaan.

Anyway, kahit wala na ang talk show nina Zoren at Carmina ay may nakalaan naman ibang project ang Kapuso Network sa dalawa.

Si Zoren ay papasok na sa Dwarfina at may naka-line up namang show si Carmina.

DAIANA MENEZES KAY HAYDEN KHO: BAKIT HAYDEN, FEELING MO, ANG HABA-HABA NG HAIR MO?

NATUWA  kami kay Daiana Menezes nang mag-guest sa Paparazzi dahil hindi siya masopla nina DJ Mo at Hayden Kho  sa on the spot hot question ng dalawa na co-host na rin nina Cristy Fermin, Dolly Ann Carvajal at Ruffa Gutierrez sa Paparazzi.

Maging si Ruffa ay aliw na aliw sa pagiging prangka at walang malisyang  pagsagot ni Daiana sa mga tanong sa kanya nina Mo at Kho.

Nasopla pa ni Daiana si Kho nang tanungin kung sino sa kanila ni DJ Mo ang isasama sa Brazil at bago pinasagot ni Kho si Daiana ay parang nagmamakaawa ito na huwag siya ang pipiliin.

Sagot tuloy ni Daiana kay Kho: “Naku! Bakit, Hayden? Feeling mo, ang haba-haba ng hair mo?”

Dagdag pa ni Daiana: “Ikaw ha! May atraso ka sa kaibigan ko (tinutukoy niya ay kaibigang Brazilian model na kinunan din ng sex video ni Kho).

Anyway, salamat sa host ng Paparazzi sa pagbati nila ng on air ng happy birthday sa inyong lingkod. Ganoon din sa mga hindi nakalimot na magpadala ng kanilang regalo, kay Laguna Governor E.R Ejercito, Boy Abunda, GMA News Department, TV 5, sa mga kaibigan sa panulat at sa mga magpapadala pa.

CRISTINE REYES, PAMASAK-BUTAS NI RAYVER CRUZ

Matagal na namin alam ang relasyon nina Sarah Geronimo at Rayver Cruz pero di namin isinulat dahil nangako kami sa manager ni Rayver na hindi isusulat.

Ngayon ay puwede na siguro ibulgar na almost two years nang may relasyon ang dalawa at ito ay almost two years pa namin nalaman.

Sabi ng manager ng actor, maging siya ay nagulat sa naging relasyon daw nina Sarah at Rayver dahil hanggang phone lang daw ang communication ng dalawa na humantong nga sa pagmamahalan.

True na tutol nga raw ang magulang ni Sarah kay Rayver pero mahal na mahal nito ang singer/actress kaya wala na raw siyang nagawa kundi tumahimik at huwag sabihin ang tunay na score ng dalawa.

True din na pinaghintay si Rayver ni Sarah dahil bata pa sila at tutol nga raw ang magulang ng actress sa una.

Dahil siguro bata pa si Rayver kaya hindi nagawa nitong maghintay kaya ayun pumasok sa buhay nito si Cristine Reyes para madaling makalimutan ang pagmamahalan namagitan sa kanila ni Sarah.

Maaaring sabihin na naging pamasak-butas lang si Cristine para makalimutan ng tuluyan ni Rayver si Sarah or puwedeng sabihin na nakita ni Rayver kay Cristine ang ilang katangian nagustuhan nito kay Sarah.

Ang tanong, hanggang kailan kaya magtatagal ang pagmamahalan nina Cristine at Rayver? Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply