Sid Lucero, Mikael Daez mga bagong leadingman ni Marian Rivera

SA ISANG event ay nakorner ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang magaling at magandang aktres na si Marian Rivera. At kanila itong tinanong tungkol sa nalalapit na primetime series na pagbibidahan nito, ang  “Amaya.”

Dito nga ay inihayag ni Marian na sina  Sid Lucero at Mikael Daez ang kanyang magiging kapareha.

Pina-describe ng PEP kay Marian ang dalawa at aniya, “Si Sid Lucero, e, first time ko siya siyempre makakatrabaho, bilang nanggaling siya sa kabila [ABS-CBN].”

Ayon sa dyowa ni Dingdong Dantes ay dalawang beses pa lang silang nagkita ni Sid. “Well, nagkita naman kami ng dalawang beses sa audition at sa storycon. Mabait naman yung tao, at saka kapatid kasi siya ni Gabby [Eigenmann]. Si Gabby, malapit din sa puso ko na kapatid niya. So, siguro wala kaming magiging problema.”

Tungkol naman kay Mikael Daez, sinabi ni Marian na  handa niyang tulungan ito dahil baguhan lang ito sa larangan ng pag-arte. Gusto ni Marian na pagandahin ang “Amaya” kaya kanyang inalok ang tulong dito.

“Si Mikael Daez, e, talagang bago sa showbiz. Wala pa talaga siyang kaalam-alam. No workshop, no everything. Alam lang niya is mag-modeling. Ang sabi ko naman, nandito naman ako para suportahan.

“Gagawin ko din lahat para mapaganda ang Amaya. Lahat kami magtutulungan talaga.”

Samantala, sa interview ng PEP ay ibinunyag din ni Marian na malaki ang gagastusin para sa produksyon ng Amaya. Kanyang inihalimbawa ang set na gagamitin dito. Aniya, gagamit sila ng ng limang bangka at ang bawat isa dito ay nagkakahalaga ng P1.8 milyon.

“Nakapag-storycon na kami. Pero yun nga lang, medyo kumplikado pa kung kailan yung taping, kasi apat o limang bangka yata ang binubuo para magsimula ang set. At sa isang bangka, 1.8 [million] ang isa. So, ganun kamahal, at ganun kagastos.”

Puspusan din ang training ni Marian ng arnis na gagamtin sa kanyang fight scenes sa naturang serye. Remate Online

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply