Sigang namaril sa pulis, todas sa ganti

TODAS ang isang lalaki na umano’y siga sa kanilang lugar nang gantihan ng putok ng isang pulis na una niyang sinumpak Linggo ng gabi, Marso 27, sa Antipolo City.

Kinilala ni Rizal Philippine National Police (PNP) director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang nasawi na si Ricardo Sanico, alyas “Carding”, 57-anyos, may asawa at residente ng Sitio Taguisan, Barangay Bagong Nayon ng nasabing lungsod.

Ginagamot naman sa PNP General Hospital si SPO2 Hector Caubat, na nakatalaga sa PACER sa Camp Crame, dahil sa mga tinamong tama ng isang improvised gun.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi sa Sitio Taguisan.

Nabatid na dumating si SPO2 Caubat sa nasabing lugar at nakikipag-usap sa kanyang mga kaibigang menor de edad nang sumulpot si Sanico sabay bitaw ng mga katagang: “Ikaw ba ang HPG!?”

Agad namang sinabi ni SPO2 Caubat na hindi siya HPG at sabay pakilalang pulis, subalit nakabunot na nang baril ang suspek at sunud-sunod na pinutukan ang una.

Bagama’t sugatan ay nagawa pang makabunot ng baril ni SPO2 Caubat at nabaril ang suspek na binawian ng buhay habang ginagamot sa Amang Rodriguez Hospital sa lungsod ng Marikina.

Nagsasagawa nang malawakang imbestigasyon ang pulisya kaugnay ng tunay na motibo ng tangkang paglikida ni Sanico sa nasabing miyembro ng pulisya. Jhie Convocar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply