Singer Paul Toledo inatake sa loob ng taxi, patay

MULI na namang nagluluksa ang industriya ng showbiz dahil matapos mailibing nitong Huwebes ng umaga (March 10)  ang batikang aktor na si Paquito Diaz ay sumakabilang buhay naman nung araw ding yun ang sikat na singer na si Paul Toledo.

Ayon na rin sa kasama ni Paul Toledo, nung gabi ng Huwebes ( March10)  ay pupuntahan  daw nila ang isang kaibigang mayor para sa isang nalalapit na show ni Paul. Habang sakay daw sila ng taxi ganap na alas-7:00 ng gabi ay nagsabi si Paul na daanan muna nila ang kanyang anak para pasyalan at kumustahin. Matapos daw dalawin ni Paul ang anak ay muli silang sumakay ng taxi patungo na sa kanilang pupuntahan.

Halos hindi pa raw sila nakakalayo sa kanilang pinanggalingan ay lumaylay daw ang ulo ni Paul Toledo sa loob ng taxi na inaakala ng  kasama nito na natulog lang. Nang ayusin daw nilto sa pagkakatulog si Paul,  narinig niya itong umuungol at ubod ng bigat.

Sa katarantahan ay nagpasya na silang isugod sa malapit na hospital si Paul pero, huli na ng makarating sila sa hospital na ganap na ika 9:30 ng gabi ay patay na ang singer.

Sa ngayon, nakahimlay ang labi ni Paul Toledo sa Funenaria Filipinas sa Pamplona Las Pinas.

Si Paul Toledo ang sumikat na mang-aawit nuong late 80’s kung saan tinagurian siyang Rod Stewart of the Phil. Pinasikat niya ang mga awiting Lumba-Lumba, Babes Come Home To Me at Mga Paru-Parong Buking, kung saan naging pelikula pa nina Eddie Garcia at Eddie Rodriguez.

ETHEL BOOBA, KINASUHAN NG ARSON

Nung gabing pumanaw ang singer na si Paul Toledo, hindi naglipas oras ng gabi ay hinuli naman ng mga pulis Quezon City ang singer/komedyante na si Ethel Booba. Nahaharap  siya sa kasong arson dahil sa sa pagsunog ni Ethel ng kanyang tinitirhang condo na agad namang naapula ng mga bumbero ang apoy.

Piniit muna si Ethel dahil sa paiba-iba ito ng mga sinasabi sa imbestigasyon. Nakakuha rin daw ang mga pulis ng ilang piraso ng gamit ng foil na pinaghihinalaang pinaggamitan ng shabu!

DATING CHILD STAR CHUCKIE DREYFUS, BALIK PAG-ARTE

Tiyak na matutuwa na naman ang mga fans ng sikat na young actor nuon na si Chuckie Dreyfus dahil muli na namang magbabalik sa pag-arte sa harap ng kamera si Chuckie. Oo, medyo nagbabawaa na lamang ng timbang ang guwapong aktor at muli na naman itong sasabak sa pag-arte.

Sabi nga, tiyak na marami na naman ang tatalbugan ni Chuckie sa pag-arte dahil kilala si Chuckie Dreyfus na tunay na idol ng showbiz! Abangan nyo ang aming exclusive interview sa kanya na lalabas dito sa aking column. Charlie Lozo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply