Singil sa kuryente bababa ngayong Marso

HABANG nakakaranas ng krisis sa presyo ng petrolyo, positibong balita naman ang inihayag ng Manila Electric Company (Meralco) sa pagsasabing bababa ang singil sa kuryente ngayon Marso.

Sa opisyal na pahayag ng Meralco, sinabi nito na bababa ang “generation charge” ng 1.62 sentimos kada kilowatthour (kWh) mula P4.8623 patungo sa P4.8461.

Ito’y bunsod nang pagbaba ng “Wholesale Electricity Spot Market (WESM)” ng P1.2345 per kWh, habang bumaba rin ang presyo ng isinusuplay na kuryente ng Independent Power Producers (IPPs) ng 17.31 sentimos per kWh sa buwan ng Pebrero.

Tumaas naman umano ang isinusuplay na kuryente buhat sa National Power Corporation (NPC) ng 54.76 per kWh ngunit hindi ito makakaapekto dahil sa pagbaba sa presyo ng IPPs at WESM bukod pa sa pagbaba rin ng sinisingil na “transmission at system loss charge” ng 3.56 at 1.49 sentimos per kWh.

Nangangahulugan ito na ang mga bahay na kumukonsumo ng 100kWh kada buwan ay magkakaroon ng P7.24 pagbaba sa kanilang bill ngayong Marso.

Sa kabila nito, nagpaalala naman ang Meralco sa kanilang mga kustomer na magtipid sa kinukunsumong kuryente ngayong paparating na tag-init dahil sa inaasahang tataas ang konsumo ng kuryente dahil sa paggamit ng appliances gaya ng aircon, electric fan at refrigerator dahil sa mainit na panahon.

Mas nagagamit din ang mga kagamitan sa bahay tuwing bakasyon ng mga mag-aaral. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply