Singil sa kuryente bababa ngayong Marso

HABANG nakararanas ng krisis sa presyo ng petrolyo, positibong balita naman ang dala ng Manila Electric Company o Meralco makaraang ihayag ang nakatakdang pagbaba sa singil ng kuryente ngayong buwan ng Marso.

Sa opisyal na pahayag ng Meralco, sinabi nito na bababa ang “generation charge” ng 1.62 sentimos kada kilowatthour mula P4.8623 patungo sa P4.8461 per kWh.

Ito’y makaraang bumaba ang “Wholesale Electricity Spot Market” ng P1.2345 per kWh, habang bumaba rin ang presyo ng isinusuplay na kuryente ng Independent Power Producers ng 17.31 sentimos per kWh sa buwan ng Pebrero.

Tumaas naman umano ang isinusuplay na kuryente buhat sa National Power Corporation (NPC) ng 54.76 per kWh ngunit hindi ito makaaapekto dahil sa pagbaba sa presyo ng IPPs at WESM bukod pa sa pagbaba rin ng sinisingil na “transmission at system loss charge” ng 3.56 at 1.49 sentimos per kWh.

Nangangahulugan ito na ang mga bahay na kumukonsumo ng 100kWh kada buwan ay magkakaroon ng P7.24 pagbaba sa kanilang bill ngayong Marso.

Sa kabila nito, nagpaalala naman ang Meralco sa kanilang mga kustomer na maghanda sa pagtitipid sa konsumo ng kuryente ngayong paparating ang tag-init dahil sa inaasahang pagtaas ng konsumo. Marami umano kasing appliances lalo na ang mga aircon at refrigerator ang kumokunsumo ng dobleng suplay ng kuryente habang mas nagagamit ang mga kagamitan sa bahay tuwing bakasyon ang mga mag-aaral. Amor Virata

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply