Singson tinanggal na sa Kamara

TANGGAL na ang pangalan ni Ilocos Sur Rep. Ronald Singson sa listahan ng Kamara.

Sa pagbubukas ng sesyon ngayong 4:00 ng hapon, sinabi ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte na “I instructed the Secretary- General to drop his name from the roll of the House of Representatives.”

Ito ay nangangahulugang bakante na ang posisyon ni Singson sa kaniyang distrito sa Ilocos Sur.

Kasunod nito ay isang resolusyon ang ipapasa ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms upang magsulong ng special elections na ang magtatakda ay ang Commission on Elections (Comelec).

Pansamantalang magtatalaga si Belmonte ng caretaker sa distritong iniwan ni Rep. Singson na ngayon ay nakabilanggo sa Hong Kong court dahil sa kasong illegal drug trafficking.  Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply