SK chairman, 3 kagawad utas sa pamamaril ng ex-chairman sa Bacolod

UTAS ang SK chairman at tatlong barangay kagawad matapos barilin ng dating punong barangay habang nasa loob ng session hall sa isang barangay sa Silay, Bacolod City.

Idineklarang dead on arrival sa Teresita Jalandoni Memorial Provincial Hospital ang mga kagawad na sina Pedrito Orosio, Luzminda Cutamen at Freddie Juno at ang SK chairwoman na si Aimee Occenia dahil sa tama ng bala calibre 45 baril ni dating Punong Barangay Noel Ayalin.

Sugatan naman ang kapitan na si Ramon Celebre, Kagawad Salvacion Turogda at treasurer ng barangay na si Leni Llorca habang nakatakbo ang kapatid ng suspek na si Kagawad Norie Torres.

Sa imbestigasyon, ika-8 ng umaga kanina, Marso 6 nang makarinig ang mga residente sa lugar ng sunud-sunod na putok at nang tunguhin ang session hall ay nakita ang mga nakabulagta ng mga biktima.

Samantala, ipinahayag ni Kagawad Joey Andrade na papaalis sila ng session hall para sunduin ang kalihim ng barangay na si Maribee Serva nang makasalubong si Ayalin ngunit hindi naman kinakitaan ng anumang galit.

Pinaniniwalaan na ang P1 million na hindi maipaliwanag na gastos ng barangay noong nanunungkulan pa si Ayalin ang dahilan ng kanyang pamamaril sa mga biktima.

Tinalo ni Celebre si Ayalin noong nakaraang barangay elections. Remate Online

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply