Skyway hanggang Alabang bubuksan na, singil itataas sa P169

BUBUKSAN na sa publiko ng Citra Metro Manila Tollways Corporation (CMMTC) ang idinugtong na skyway mula Bicutan hanggang Alabang sa kalagitnaan ng Abril.

Sinabi ni Ed Nepomuceno, vice president ng Skyway Corporation sa ginanap na pulong balitaan sa Tinapayan na aabot sa kabuuang 80 kilometro ang sakop na kalsada ng Skyway.

Kasabay ng pagbubukas ng nasabing daan, itataas naman sa P169 ang singil sa toll fee, kasama na ang ipapataw na buwis.

Siniguro naman ni Nepomuceno na dumaan sa mabusising structural design ang idinagdag na kalsada ng Skyway, kaya nakatitiyak sila na ligtas kahit pa magkaroon ng malakas na paglindol sa Metro Manila.

Ayon naman kay Engineer Jaime Cancio, structural designer ng Skyway, mas pinatibay nila ang nasabing kalsada sa paggamit ng mga kwalidad na materyales para masigurong ligtas ang publiko.

“Pag bumangga sa poste ng skyway, tiyak masisira yong kotse, pero hindi ang aming poste,” ayon pa kay Nepomuceno.

Tiniyak din ni Cancio na ligtas ang skyway sa lindol dahil lihis ito sa West Valley Fault line. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply