Smart Gilas Nationals nalagot ang winning streak

NILAGOT ng B-Meg Derby Ace ang pananalasa ng Smart Gilas Pilipinas sa pagsulong ng PBA Commissioner’s Cup sa isang overtime period tungo sa pagpapalakas ng pag-asa na makapasok sa Magic 6 sa bakbakang idinaos sa Big Dome noong Miyerkules, Marso 22.

Ang sinibak na si Shamari Spears ang tinanghal na top scorer ng Llamados sa 26 puntos na itinumpok na dinagdagan ng 20 ni Peter Jun Simon.

Ang 6-foot 10-ten naturalized player ng Nationals na si Marcus Douthit ay hindi na pinalaro ni Coach Rajko Toroman nang matapilok at magkaroon ng pilay sa third quarter subalit nakatipon ng 14 points. Hindi rin nakapaglaro sa Llamados ang point maker na si James Yap, at sina Rico Maierhofer, Jonas Villanueva, Don Allado at Rafi Reavies.

Sa pagkatalo ng Nationals, magkapantay sila ng Talk N Text (5-1) na posible pang makaangat ang tropang texters sa laban nila kontra sa nasabuntot ng team standings na San Miguel Beermen na tangan ang nakalulungkot na 1-5 win-loss record.

Naitala naman ng Meralo Bolts ang back-to-back win kasunod ng pagpapasadsad sa Powerade Tigers, 111-88, na nahaharap sa kasalukuyan sa mga must-win games kontra Alaska Aces, Air21 Express at Smart Gilas Pilipinas sa pagaambisyong makasama sa Magic 6 sa quarterfinals. Radito Torres

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply