Smart Gilas Pilipinas nasungkit ang unang semis slot

ANG unang semis slot ay nasungkit ng Smart Gilas Pilipinas ng patahimikin ang Barangay Ginebra, 111-104 ng PBA Commissioners’ Cup sa Araneta Coliseum.

Si nagbabalik-larong Marcus Douhit mula sa isang larong pagliban ay pumuntos ng 30  bukod sa 17 boards ay naghatid sa 7-1 win-loss slate habang ang Gin Kings ay nanatiling nakakabit sa ika-apat na pwesto sa tangang 5-3 record.

Ang import ni coach Jong Uichico na si Nate Brumfield na sumablay ng makailang ulit sa free-throw area ay nakapuntos ng 21, humablot ng limang rebounds, tatlong assists at dalawang blocks ay nakontrol ng malalaking manlalaro ni Coach Rajko Toroman.

Si Marcio Lassitir na kumamada ng 21 puntos ang tinanghal na best player of the game habang si national team skipper na si Chris Tiu ay ipinahinga ng coaching staff dahil sa dinaranas na sakit sa kaliwang balikat.

Nagtala naman sina Willie Miller at Mark Caguioa ng tig-21 puntos nang maghabol sila sa 21-points na kalamangan ng Smart Gilas sa 3rd quarter.

Napigilan ang Kings sa paghahabol ng gumana sina Douhit, Lassitir, JV Casio at Chris Lutz na nagsara sa 3rd quarter na may 10 points na abante, 79-69.

Sa main game, pinalaki ng Air21 Express ang kanilang tsansa na makasulong sa best of six finals nang alisan ng kuryente ang Meralco Bolts, 110-101. Nakapantay ang tropa ni coach Bong Ramos na nasa ika-anim na pwestong Rain Or Shine Elasto Painters.

Nanguna sa Air21 Express sina Alpha Bangura na gumawa ng 25 at si Dondon Hontiveros na bumuslo ng 20 sa pagpapatuloy sa tropa ni coach Ryan Gregorio. Radito Torres

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply