Smart-Gilas susungkitin ang 5th win

ANG inaabangang banggaan ng dalawang dating nasa tuktok ng 10-team standings ay magkakasubukan bukas Marso 18 sa Cuneta Astrodome.

Tangan ng Nationals ang malinis na 4 wins na sisikaping tuldukan ng Rain or Shine Elasto Painters (3-1) tungo sa pag-angat sa sariling posisyon at makapantay ng Smart-Gilas, Talk ‘N Text, Alaska Aces na nasa top 4 ng elimination round.

Batay sa istadistika ang limang panalo ng alinmang koponan ay garantiya na sa best 6 teams sa susunod na round na paglalabanan ng anim na koponan habang ang huling apat ay maglalaglag sa elimination.

Nakakunyapit sa ikalimang pwesto ang Barangay Ginebra kasunod ng 99-86 panalo sa Air21 Express habang ang Derby Aces Llamados ay nakatuntong sa pang-anim na umaasa ring umakyat ng isang baytang sa laro nila kontra inaalat na Meralco Bolts bukas ng hapon.

Sasandal ang Nationals 6’10” Marcus Douthit na nakalusot na ang naturalization application samantalang ang Elasto Painters na gigiyahan ni coach Yeng Guiao ay ibabalik ang sigla ng kanyang mga de kalidad na frontliners. Radito Torres

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply