Smart Gilas tuloy sa pamamayagpag

IPAGPAPATULOY ng Smart Gilas  ang pananalasa sa PBA Comissioner’s Cup sa pagsabak kontra sa pinalakas na Air 21 Express sa Miyerkules.

Ito ay kasunod ng pagtatala ng ikalawang panalo ng Smart Gilas laban sa Alaska Aces, 91-89, noong Marso 4 sa Big Dome.

Nasa ibabaw ng 10-team standings ang national team kapantay ang Rain or Shine Elastopainters na nakikipagbanatan pa sa Power 8 Tigers.

Ang bagong Air 21 Express ay inaasahang pasisiglahin ng bagong lipat na dekalidad na maglalaro mula sa San Miguel Beermen na sina Dondon Hontiveros, Danny Seigle, Dorian Peña at Paul Artadi.

Sa unang laro ng Express noong Sabado sa Holy Cross olege, sa Davao City, tinalo sila ng all-Filipino conference title-holder, Tropang Texters sa iskor na 110-124. Hindi nakatikim ng kalamangan ang Air Express nang gumana ang shooting nina American import Paul Harris, point guard Jimmy Alapag na bumuslo ng 6 triples bukod sa 9 assists at 2 boards at JR Reyes ng 16.

Muling maghaharap ang 2010 finalists na Beermen at Alaska Aces sa main game tungo sa pagpapalakas ng kanilang puwesto sa team standings. Radito Torres

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply