Smart Gilas vs Ginebra San Miguel ngayong hapon

PAGTATATAGIN ng Smart Gilas Pilipinas ang kapit sa pangunguna sa PBA Commissioner’s Cup habang babalasuhin ng Barangay Ginebra para makamit ang ikalawang pwesto kasunod ng Talk N Text sa inaasahang maatikabung bakbakan ngayong hapon sa Araneta Coliseum.

Malabo nang makapaglaro si National team skipper Chris Tiu dahil sa idinaraing na pinsala sa kaliwang balikat habang ang naturalized Filipino center na si Marcus Dauthit ay wala pa sa kundisyon kasunod ng ipinahingang sakit sa paa.

Sasabak naman ang Air 21 Express (2-4) kontra sa Meralco Bolts (2-5) na kapwa naghahangad na makadikit sa Magic 6 teams na papasok sa susunod na round.

Ang Gin Kings (5-2) ay katatampukan ng import na si Nate Brumfild na naga-average ng 30 puntos sa apat na sunud-sunod na panalo ng Barangay Ginebra kabilang ang paggiba sa Rain or Shine Elasto Painters, 95-90 sa out-of-town game sa Panabo City. Radito Torres

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply