Solo leader ang Pharex sa PBA D-League

HINIYA ng Pharex Bidang Generics ang kapwa paboritong NLEX Road Warriors nang sungkitin ang pangalawang panalo, 79-74, para angkinin ang liderato sa Group A ng PBA D-League Foundation Cup noong Martes, Marso 22, sa Far Eastern University Gym.

Sa unang laro, nakabuwelta ang Maynilad Water Dragons sa unang pagkatalo, 70-78, sa Pacific Pipes nang isadlak nila ang pagkagulatay na unang bendisyon sa Max! Bond sa iskor na 82-61.

Ang Maynilad, na binubuo ng mga San Beda Red Lions players at ginagabayan ni Coach Frankie Lim ay tangan ang 1-1 win-loss slate.

Sina Garvo Lanete (22) at Sudan Daniel (19) ang nagbida sa Water Dragons sa paghahatid ng kabiguan sa Max! Bond sa unang pagsabak sa liga.

Maghaharap ngayong makapananghali ang Blackwater at Pacific Pipes na susundan ng bangaan ng Cobra Energy Drink at Powerade Tigers sa pagpapatuloy ng palaro ng PBA D-League. Radito Torres

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply