Solon: BNPP gawing natural gas plant

SA HALIP na buhayin ang Bataan Nuclear Power  Plant sa Morong, Bataan hiniling ng isang mambabatas na gawin na lang itong natural gas plant na  mas ligtas at mas murang paraan para mabawi ang  P2.3B ginastos ng pamahalaan nang itayo ito.

Ito ang iminungkahi ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy sa gobyerno sa pangambang magdulot ng panganib sa bansa ang BNPP dahil hindi malayong mangyari rin sa bansa ang kinatatakutang pagkalat ng radiation sa bansang Japan na dulot ng 8.9 magnitude na lindol doon na ikinasira ng nuclear power plant doon.

“Filipinos can still hope for an efficient and a safer power source at cheaper cost if we can transform the BNPP into a natural gas plant,” ani Herrera-Dy.

Napatunayan na aniya na tama ang naging pagtutol sa pagbuhay ng BNPP sa naging epekto ng tsunami sa  Japan kung saan nasira ang mga nuclear power plant doon na pinangangambahang mauwi sa pagkalat ng radiation na may dalang masamang epekto sa katawan.

Aniya, ang BNPP ay nakatayo malapit sa Philippine Fault at sa West Luzon Fault kaya malaki ang pagkapareho ng seismic activity na posibleng magdulot ng pangamba sa radiation leak.

Hinikayat ni Herrera-Dy ang House Committee on Energy na gawing halimbawa ang nangyari sa Japan para bawiin na  lang ang mga panukalang pagbuhay sa BNPP. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply