Solon: Peace talks sa CPPA-NPA-NDF ibasura

HINILING ng  representante ng  ANAD Party-list sa gobyerno na ibasura  ang  peace talks sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) dahil  wala umanong  sensiridad  ang  grupong komunista na makamit ang kapayapaan.

Ayon kay Rep. Pastor M. Alcover, Jr. ng   ANAD partylist, gusto nila ng kapayapaan  subalit  naniniwala  silang  walang  saysay ang  inisyatibang  usapang pangkapayapaan ng gobyerno sa CPP-NPA dahil sa kawalan ng sensiridad ng grupong komunista.

Sa naging privilege speech ni Alcover, kanyang inakusahan ang  CPP-NPA-NDF na ginagamit lamang ang peace talks upang maisulong ang kanilang minimithing sistema upang mapaikot ang gobyerno.

“It would be best to stop this wasteful exercise where no one benefits but the CPP-NPA. Let us sound our call to put an immediate end to all their mischievous acts,” ani Alcover.

Ayon pa kay Alcover, nang ideklara ng United States at ng European Union ang CPP-NPA bilang terorista ay ginamit ang isyung ito ng partidong komunista upang maisagawa ang kanilang political adventurism sa pagtalikod ng mga ito sa negosasyon at isinisi pa ito sa gobyerno.

“They initiate and create situations to their advantage. They kill even their comrades to scuttle the peace negotiations when they realize that their terms and demands would be turned down. That’s
their training, the teaching they got from Mao Tse Tung,” dagdag pa ni Alcover.

Nang  makita aniya ng CPP-NPA-NDF na hindi nila kayang pataubin ang  gobyerno ay pinalitan nila ang kanilang taktika sa pamamagitan ng pagsuporta ng mga pulitiko at naitatag ang party-list na para sa kanilang adhikain lamang.

Ayon pa kay Alcover, ginagamit ng CPP-NPA ang protracted people’s war strategy sa pagsira ng ekonomiya ng bansa at sa halip ay mga baril ang ibinibigay nila sa mga magsasaka kaysa sa hayaan ang mga ito  magsaka.

“The members of this communist group were trained and taught the teaching of Mao Tse Tung who believes that peace can only be achieved through their brand of revolution and that the revolution is not a dinner party nor a picnic but a violent overthrow of the system,” pahayag pa ni Alcover. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply