South Bound kikilatisin ni Canadian Girl

WALONG batang kabayo ang mag-aagawan sa added prize na P10,000 sa gaganaping 3 year-old Maiden-2 race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Inaasahang papatok sa takilya ang kalahok na si South Bound kung saan ay rerendahan ni many-time Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the-year awardee Patty Ramos Dilema.

Straight na pang primera sa karera tips ng programa ng karera si South Bound subalit ayon sa mga ibang experto pihadong mabibigyan siya ng magandang laban ni Canadian Girl na gagabayan ni class A rider Fernando “Dunoy” Raquel.

“May magandang tiyempo si Canadian Girl kaya sa tingin ko may ibubuga ito bukas, (ngayon) at saka gabi ang laban alam naman natin nagbabago ang takbo ng mga batang kabayo.” pahayag ni Nick Atienza isang trainer.

Ang ibang kalahok sa nasabing event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (Philracom) ay sina Prinsesita Erin, No Day Is Lost, Water Crest, Colossal, Play The Music at ang kakampi ni Canadian Girl na si Mr. Classmate.

May best time si Canadian Girl na 1:27 sa distansyang 1,300 meter race na kanilang tatakbuhin. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply