Spanish Drums dumagundong sa Class Division 3 race

PAGLABAS ng aparato ay hinambalos agad ni Spanish Drums ang unahan upang makabanderang tapos ito sa Class Division – 3 na ginanap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite Martes ng gabi.

Segundo liyamado si Spanish Drums na nirendahan ni class A rider Antonio B. Alcasid sa nasabing laban kung saan ay tinalo nito ang outstanding favorite na si Bloodline na ginabayan naman ni class C jockey Randy L. Lagrata.

“Kinuha ko na agad ‘yung unahan kasi plano namin makigpagsabayan na lang sa bilis kasi mahaba naman ang resistensya ni Spanish Drums.” masayang pahayag ni Alcasid. “Nabigla namin sila kaya nakabanderang tapos kami.”

Nakapagtala ng tiyempong 1:38 sa distansyang 1,500 meter race si Spanish Drums kaya naman nanalo ito ng may pitong kabayo ang distansya sa nasegundong si Asycuda na sinakyan ni Kelvin Abobo.

Samantala, hindi naman binigo ni top favorite Darleb ang mga liyamadista matapos manaig sa Class Division – 9.

Sinundan ni Darleb ang bumanderang si Kristal’s Beauty at pagsapit ng far turn ay pumatong na ito upang sa rektahan ay kunin nito ang bandera.

“May bilis din si Darleb kaya nakasabay kami sa tulin ni Kristal’s Beauty pero sa far turn lumapit na ako para hindi kami mabitin.” saad ni many time Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey-of-the-year awardee Patty Ramos Dilema gumabay sa winning horse.

Omoras ng 1:20.8 si Darleb sa distansyang 1,300 meter race. Elech Dawa

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply