Special condition races tampok sa Sta. Ana Park

DALAWANG Special Condition Races ang ilalarga Biyernes, Marso 4, sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Unang masasaksihan ng mga karerista ang SCR-2 sa race 3 ng programa ng karera kung saan anim ang kalahok sa distansyang 1,100 meter race habang sa race 7 naman ikakasa ang SCR-1.

Anim ang kalahok sa unang tampok na karera na pangungunahan nina D’Of Jade at Wonder Joyce na ayon sa mga karera tipsters ay maaaring magdomina sa gross sales ng daily double.

“Parehong mabibilis sa arangkadahan sina D’Of Jade at Wonder Joyce kaya malamang silang dalawa ang magiging favorites.” saad ni Nick Atienza, horse trainer.

Ang ibang kalahok ay sina Prince Dugo, Celestial, Banknet at Thrill Of Victory.

Samantala, walo naman ang magkakapanabayan sa largahan sa pangalawang tampok na karera kung saan ay 900 sprint race ang distanysa.

Iba-iba naman ang pili ng mga KTs na pang primera kaya inaasahang kakalat ang bentahan sa nasabing karera.

Ang mga kasali ay sina Hajok, Prospector’s Cat, Devega, Prince Ferdie, Summit Master, Step Up, Madam Composita at Bulleye.

Parehong tatanggap ng tig P10,000 na inisponsoran ng Philippine Racing Commission Inc. (PRCI) ang unang kabayong tatawid ng meta sa mga nasabing special races. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply