Special elections isasagawa sa Ilocos Sur

MAKARAAN ang pormal na pag-aalis sa listahan ng mambabatas kay Ilocos Sur Rep. Ronald Singson, iminungkahi ng local officials at mamamayan sa Unang Distrito ng Ilocos Sur ang pagsusulong ng “special elections” sa naturang lalawigan.

Ang panibagong halalan ay isinusulong ni Germy Singson Goulart, mayor ng Caoayan at presidente ng Ilocos Sur Mayors League.

Sinabi ng mayora na kapatid ni Gobernador Chavit, magpupulong ang mga lider sa probinsiya kabilang na ang mga barangay captains at non-government organizations para konsultahin ang pulso ng mamamayan kung sino ang kanilang kandidato para sa special elections.

Sinabi pa ni Germy na hinihiling pa ng League of Municipalities sa Ilocos Sur kay Presidente Benigno Aquino III na tulungan ng national government ang mga maliliit na local government unit tulad ng Caoyan na isang coastal town na nasa 4th class.

Posible na ang liga na binubuo ng iba’t ibang partido tulad ng Lakas-Kampi, Liberal Party at National People’s Coalition ay lalahok sa partido administrasyon ni Presidente Aquino para mas maraming proyekto sa probinsiya at mapaunlad ang pamumuhay ng mga Ilokano, sinabi ng League President.

Matatandaang noong nakaraang linggo pa sana dapat tinanggal sa listahan si Singson makaraang magsumite ito ng resignation letter sa tanggapan ni House Speaker Feliciano Belmonte, ngunit hindi nadala sa plenaryo dahil walang regular na sesyon bunsod ng nasirang air conditioning system.

Sa kautusan ni Belmonte, inatasan nito si House secretary general Marilyn Yap na tanggalin na sa roll of House members ang pangalan ng mambabatas. Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply