Special lane sa OFWs pa-Taiwan itinayo

NAGTAYO ng special lane ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang matulungan ang overseas Filipino workers (OFWs) na papuntang Taiwan sa pagpoproseso ng kanilang papeles.

Ayon kay Executive Secretary Paquito N. Ochoa. ang Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Department of Foreign Affairs (DFA) ay sumunod na sa alintuntunin na magtayo ng special window para sa mga Taiwan bound OFWs.

Maging ang Commission on Elections (COMELEC) ay sumunod na rin anya na pabilisin ang kahilingan ng OFWs para sa kanilang voter’s identifications card (ID).

“The creation of special lanes would help ease the impact of the new requirements imposed on Filipino workers by the Taipei Economic and Cultural Office (TECO),” ayon kay Ochoa.

Kamakailan ay nagpahayag ang TECO na mangangailangan ng karagdagang mga dokumento sa OFWs na nagnanais magtrabaho sa Taiwan upang makakuha ng working visa. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply