Special leave sa kababaihan aprub na sa DOLE

INAPRUBAHAN na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang special leave ng kababaihan na nagtatrabaho sa  pribado at pampublikong sektor na sasailalim sa operasyon sa gynecological disorders.

Kaugnay nito, maaari nang mag-file ng special leave ang kababaihan sa kani-kanilang tanggapan kung sila’y naka-iskedyul sa isang operasyon kaugnay sa nasabing sakit.

Ang special leave privilege ay nakapaloob sa Department Order No. 112-11 na nagsasaad sa alituntunin para sa pag-avail ng special leave benefit sa ilalim ng Republic Act 9710 (Section 18), o mas kilala bilang “Magna Carta for Women” (MCW).

Ayon kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz na siyang nagpalabas sa nasabing order, ang nasabing alituntunin ay pagtiyak sa pagsunod sa implementasyon ng special leave benefits para sa kababaihang kawani sa pampubliko at pribadong sektor.

“The two-month leave is in addition to the leave privileges under existing laws. Eligible for the special leave benefit are women employed in the private and public sectors, regardless of age and civil status, with at least six months’ aggregate employment service rendered in the 12 months prior to the surgery,” ani Baldoz.

Ang leave of absence ay maaaring tumagal hanggang sa maximum period ng dalawang buwan kada taon na “full pay” o walang kaltas base sa gross monthly compensation ng kawani kasunod ng kaniyang operasyon sanhi ng gynecological disorders.

Ang special leave benefit ay ipagkakaloob sa kuwalipikadong babaeng kawani pagkatapos na sumailalim ito sa gynecological operation nang walang pagtutol mula sa amo o employer.

Sa isang employer, pinapayagan ang isang babaeng kawani na tanggapin ang kaniyang sahod bago o pagkatapos sumailalim sa operasyon hanggang siya’y nagpapagaling.

“It may be used for the period covering the surgery until recuperation. Absence incurred from the pre-surgery period, as well as those in excess of the two months allowed under the special leave benefit, may be charged against the employee’s earned leave credits,” dagdag pa ni Baldoz.

Ayon sa DOLE, ang isang babeng empleyado ay makapag-a-apply ng kaniyang special leave mula sa inaasahang petsa ng operasyon, o itinatadhana ng company rules o ng isang collective bargaining agreement (CBA).

Ang gynecological disorders ay tumutukoy sa disorders na nangangailangan ng surgical procedures o operasyon, “dilation” o curettage at iyong sangkot ang reproductive organs ng isang babae gaya ng vagina, cervix, uterus,  fallopian tubes, ovaries, breast, adnexea, at pelvic floor na pinatotohanan ng isang sertipikadong doktor.

Ang nasabing benepisyo ay non-cumulative at hindi convertible sa cash, maliban kung ito ay nakasaad sa collective bargaining agreement (CBA).

Magiging epektibo ang guidelines 15 araw matapos na pormal itong mailathala sa isang pahayagang may general publication. Linda Bohol

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply