Spurs tinambakan ang Heat

TINAMBAKAN ng San Antonio Spurs ang inaalat na Miami Heat, 125-95, sa pagpapatuloy ng 2010-2011 National Basketball Association regular season.

Kumamada ng 15 puntos at walong assists ang nagbalik na si Tony Parker para pangunahan ang balanseng opensa ng Spurs.

Ito ang unang laro ni Parker matapos mapunta sa injured list dahil sa sprained calf.

Bumida si Manu Ginobili sa pagtarak ng 20 puntos para sa Spurs na may hawak ngayon na kartadang 51-11 win-loss.

Nagtrabaho ng husto si Lebron James na bumuslo ng 26 points samantalang kumana naman si Dwyane Wade ng 19 puntos subalit talagang hindi nila nakayanan ang tibay at lakas ng Spurs.

Nangako naman ang Heat na babawi sa mga susunod na laban upang masiyahan ang kanilang mga fans na nagpahayag ng pagkadismaya dahil sa tatlong dikit nilang pagkatalo. Remate Online

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply