Pamilya, staff ng embahada sa Tripoli nakalabas na ng Libya

NAKALABAS na ng Tripoli, Libya ang pamilya ng mga diplomat at ilang kawani ng embahada ng bansa kasama ang iba pang Overseas Filipino Workers (OFWs) na inilayo sa kaguluhan doon lulan ng M/V Ionian Queen.

Base sa panibagong report na ipinadala ni DFA Secretary Albert del Rosario kay Pangulong Benigno S. Aquino III, iniulat na nakalayag na palabas ng Libya ang chartered vessel ng gobyerno ng Pilipinas na maglilikas sa 750 Pinoy patungo sa ligtas na lugar sa isla ng Crete.

Nilinaw naman ng DFA sa Malakanyang na mayroon pa ring maiiwan sa mga embahada ng bansa upang patuloy na tumulong sa repatriation efforts na inilunsad ng pamahalaan upang masigurong ligtas ang bawat OFW sa patuloy na pag-init ng sitwasyon sa Libya.

Ayon sa ulat, ang mga opisyal at staff ng embahada, maging ang isinugong anim na DFA-Department of Labor and Employment (DOLE) augmentation team na ipinakalat sa naturang rehiyon ang mananatili na lamang sa loob ng Libya. Axel Sam

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply