Staff ng embahada sa Tripoli ipinalilikas na

IPINALILIKAS na rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pamilya ng mga diplomat at ilang kawani ng embahada ng bansa na nasa Tripoli at kasama ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na itatakas sa kaguluhan sa Libya lulan ng M/V Ionian Queen.

Ito ang update report na ipinadala ni DFA Secretary Albert del Rosario kay Pangulong Benigno S. Aquino III kaugnay sa chartered vessel ng gobyerno ng Pilipinas na susundo sa may 750 Pinoy upang mailipat sa ligtas na lugar sa isla ng Crete.

Nilinaw naman ng DFA sa Malakanyang na mayroon pa rin na maiiwanan sa mga embahada ng bansa upang patuloy na tumulong sa repatriation efforts na inilunsad ng pamahalaan upang masiguro na ligtas ang bawat OFW sa patuloy na pag-init ng sitwasyon sa bansang Libya dulot ng krisis pulitikal.

Ayon sa ulat, ang mga opisyal at staff ng embahada, maging ang isinugong anim na DFA-Department of Labor and Employment (DOLE) augmentation team na ipinakalat sa naturang rehiyon ang mananatili na lamang sa loob ng Libya.

Patuloy rin na nananawagan ang Palasyo sa mga kababayang Pinoy na sumailalim na sa mga paglilikas na ipinatutupad ng gobyerno, sanhi na rin ng nagaganap na bakbakan sa pagitan ng mga demonstrador at mga loyalist ng Libyan leader Col. Ghadafi.

Ang anim na miyembro ng pinagsanib na DFA-DOLE team ay nakatutok sa pag-asikaso sa mga OFW sa mga entry at exit points sa palibot ng Libya sa mga lugar ng Djerba, sa border ng Libya-Tunisia, Al Sallum sa Egypt, sa Crete at sa Malta. Axel Sam

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply